Make your own free website on Tripod.com

mamsha.com

Ang Mukha ng Tao

Home
Essay Criteria
Mangrove Planting Important Documents
Debate Criteria
Powerpoint Criteria
Kapayapaan
KABATAAN
Tayutay
Tanging Pamana
Halimbawa ng Silabus (Syllabus)
Pang - Uri (Kayarian at Kaantasan)
Pagpapalwawak ng pangungusap
Iba't Ibang Pagpapahayag
Paglalarawan
Paglalahad
Pangangatwiran
Talumpati
Noli Me Tangere
Pangungusap at kayarian
Pang-abay
Ponemang Suprasegmental
Pagbabagong Morpoponemiko
Tungkol kay mamsha
Favorite Links
Tawagan ako
Pamilya ko
Vacation Photo Album
Pangatnig
Pang - uri
Wastong Gamit ng Salita

Ni: Aniceto F. Silvestre

Ang mukha ng tao ay dalawa lamang;
Maganda o pangit, mabait o sukab at huwad o tunay;
Sa tuwa at dusa o galit kaya ay nalarawan
Ang mukhang salamin ng talagang buhay.

Daming mukhang mahal ay may maskara.
Ang tunay na mukha ay itinatogo't mukhang ganid pala:
Buti pang di - hamak, ang mukhang magaspang at pangit sa
iba
Kung sa kanyang dibdib ay may pusong maganda.

Sa ibang pag-uri, ang mukhang tanso man,
Nagmumukhang ginto sa pagpapakinis ng mat'yagang kamay;
Sa masusing tingin at pag nakatabi'y sadyang ginto lantay
Ang tanso'y makintab, ang ginto'y makinang.

Ang mukha'y pambungad sa harap ng madla
Larawan ng tao na pinagaganda't nang di - mukhang gawa.
Ang magandang buhay may magandang mukha.

Di sawang tingin mukhang maalindog,
Sa pag-aalaga, mukhang di man dilag ay kalugud - lugod;
Ang mukha ng tao'y siyang naiiwan sa gunitang taos
Palibhasa'y mukhang nawangis sa Diyos.