Make your own free website on Tripod.com

mamsha.com

Pang - uri

Home
Essay Criteria
Mangrove Planting Important Documents
Debate Criteria
Powerpoint Criteria
Kapayapaan
KABATAAN
Tayutay
Tanging Pamana
Halimbawa ng Silabus (Syllabus)
Pang - Uri (Kayarian at Kaantasan)
Pagpapalwawak ng pangungusap
Iba't Ibang Pagpapahayag
Paglalarawan
Paglalahad
Pangangatwiran
Talumpati
Noli Me Tangere
Pangungusap at kayarian
Pang-abay
Ponemang Suprasegmental
Pagbabagong Morpoponemiko
Tungkol kay mamsha
Favorite Links
Tawagan ako
Pamilya ko
Vacation Photo Album
Pangatnig
Pang - uri
Wastong Gamit ng Salita

Pang - Uri

Kayarian ng Pang-uri

Pang-uri – ay ang mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan o

                 panghalip.

Pang-uring palarawan

Kayarian ng pang-uri

1.       Payak – binubuo ng salitang ugat lamang.

Ha. Bilog, Pula

 

2.       Maylapi – binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.

         Mga panlaping mapanuring na madalas na ginagamit:

/Ka-/ ay nagpapahiwatig ng katangian ng relasyon o pag-uugnayan ng higit sa isang taong binabanggit sa pangungusap.

            Hal. Kalahi, kasundo

            /kay-/ ay nagpapakita ng katangian ng isang bagay na inilalarawan.

                        Hal. Kayganda, Kaysaya

            /ma-/ nagpapakita ng katangian ng pangngalan o panghalip

                        Hal. Matalino, Mahusay

            /maka-/ nagpapakilala ng pagkikiayon o pakikisama. Gumagamit ng gitling

                           kapag,  Ito ay ikinakabit sa pangngalang pantangi.

Hal. Makabayan, maka-Diyos

/Mala-/ nagbibigay ito ng kahulugang kaanyo o kahawig ng anumang katangiang isinasaad ng salitang-ugat.

Hal. Malarosas, malaprinsesa

 

3.       Inuulit – binubuo ng salitang inuulit.

  1. Ganap – buong salita ang inuulit       Hal. Sira-sira
  2. Di-ganap – bahagi lamang ng salita ang inuuli         Hal. Matatamis

4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang-ugat na inuulit

  - Karaniwang kahulugan

                        Hal. Balikbayan

 

- Matalinhagang kahulugan

                        Hal. Bukas-palad