Ito ay ang larawan namin noong Abril 8, 2008 sa Isla ng Camiguin. Ito ang Katigbawasan Falls. Sobrang ganda at sobrang
lamig ng tubig dito... Masaya kaming lahat habang naliligo.
Ang larawan na nasa kanan ay kuha naman sa Malasag Eco - Park na matatagpuan sa Lungsod ng Cagayan de Oro noong ika -
10 ng Abril, 2008. Sobrang ganda din ng Park na ito... Makikita dito ang iba't ibang bahay ng iba't ibang tribo at marami
pang iba. Kasama ko sa larawan si Gng. Pamela Carmelotes.
|
|
Ito ay sa Hot Spring... Sa Isla ng Camiguin parin ito matatagpuan... Talagang nakapagrelax ang aming mga katawan sa maligam-gam
na temperatura ng tubig dito. May bahagi din sa lugar na ito na 38 degree celius ang temperatura. Ang sarap talaga....
|