mamsha.com

Noli me Tangere

Home
Essay Criteria
Mangrove Planting Important Documents
Debate Criteria
Powerpoint Criteria
Kapayapaan
KABATAAN
Tayutay
Tanging Pamana
Halimbawa ng Silabus (Syllabus)
Pang - Uri (Kayarian at Kaantasan)
Pagpapalwawak ng pangungusap
Iba't Ibang Pagpapahayag
Paglalarawan
Paglalahad
Pangangatwiran
Talumpati
Noli Me Tangere
Pangungusap at kayarian
Pang-abay
Ponemang Suprasegmental
Pagbabagong Morpoponemiko
Tungkol kay mamsha
Favorite Links
Tawagan ako
Pamilya ko
Vacation Photo Album
Pangatnig
Pang - uri
Wastong Gamit ng Salita

Mga Tauhan

MGA TAUHAN SA NOLI ME TANGERE

Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego

Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan Tiago - mangangalakal na taga Binondo; ama-amahan ni Maria Clara

Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod na matagal na panahon sa San Diego.

Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra; mutya ng San Diego

Pilosopo Tasyo -maalanm na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa - isang masintahing ina na ang na ang tanging
kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya
at malupit

Basilo at Crispin - magkapatid nanak ni Sisa; sakristan at taga tugtog ng kamapana sa Simbahan ng San Diego

Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego

Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang pananalita at pag-uugali

Donya Victorina - babaing nagpapanggap na mestisang kaslita kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila

Don Tiburcio de -isang pilay at bungal na kastilang napadpad sa Espadaņa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasaw ni Donya Victorina

Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng
inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara

Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa ng Latin; ama ni Sinang

Ņol Juan - namamahala sa mga gawain sa pagpapatayo ng mga paaralan

Lucas - taong madilaw na gumagawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra