Kabataan: Isang Pagtatanong
C.C Marquez,
Jr.
Ako, ikaw…kayo…sila…tayong
mga kabataan. Saan natin ihahatid itong ating Inang bayan? Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguan? Sa paanan ba ng
langit o bunganga ng libingan?
Dapat tayong manghilakbot. Dapat tayong kilabutan sa lahat ng pangyayaring nagaganap ng hayagan.
Unti-unting naglalaho nang di natin nalalaman. Ang sariling tatak natin bilang Perlas ng Silangan; kilos natin at damdamin;
ang kultura’t kabuhayan. Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan!
Nanaisin pa
ba natin ang magbalik ang panahon ng nabaon na sa limot na duguang mga taon…?
Noong tayong
mga kabataan ay may pusong nag-aapoy at wala ng hinahangad kundi gulo’t rebolusyon? Sa kumpas ng paarala’y nais
pa ba natin ngayong maglagay ng barikada’t magdaos ng demonstrasyon? Di ba’t dahas ay sa dahas sumugpong na lubos
noon upang ganap na sikangan ang sa baya’y nagsusulsol? Kabataan…kabataan…ako ngayo’y nagtatanong:
Saan natin
ihahatid itong ating henerasyon?
Ikaw, ako…kayo,
sila… dapat tayong mangag-isip, Itong ating Inang Baya’y saan natin ihahatid?
Sa altar ba ng pag-asa o libingang
sakdal lamig? Sa kuko ng kabiguan o tagumpay na marukit?
Tayong mga kabataan ang pag-asa ng daigdig, Sa magulang at ninuno’y
tayong lahat ang magpapalit. Ang kultura’t kabuhayan ay linanging buong higpit Upang tayo’y makalaya sa dayuhang
mapanggipit; Isang bansa… Isang diwa ang sati’y bumibigkis, Tayo’y mga kabataan… Pilipino bawat saglit!