Talinhaga – mula sa salitang “talino”
at “hiwaga” o ”tali” at “hiwaha” ang ibig sabihin ay
isang pahayag na hindi tahasang ibinibigay ang kahulugan. (Nakatago o
hindi lantad)
Tayutay – isang uri ng
matalinhagang pahag.
IBA’T IBANG URI NG TAYUTAY
A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING
1. Simili o Panulad (Simile) – naghahambing sa dalawang magkaibang bagay
sa di-tahasang paraan. Ginagamitan ito ng mga salitang pantulad tulad ng mga sumusunod:
tulad
ng
mistulang
kamukha ng
tila
parang
tulad ng
anaki’y
gaya
ng
kawangis
Halimbawa: Tila porselana ang kutis ni Celia. (porselana at
kutis)
2. Metapora o Pawangis (Metaphor) – naghahambing ng dalawang magkaibang
bagay sa tahasang paraan. Hindi na gumagamit ng mga salitang pantulad.
Halimbawa: Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso. (ikaw at apoy)
3. Alusyon - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan,
panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.
Halimbawa:
Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas
mula sa delubyo.
4.
Metonomiya – pagpapalit – tawag ng isang bagay para sa isa pa.
Halimbawa:
Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan (tahanan – paaralan)
5.
Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.
Halimbawa:
“Hanggang sa malibing ang mga buto ko”. (Buto – buong katawan)
B. PAGLALARAWAN
1. Hayperbole (Hyperbole)
– naglalabis sa paglalarawan ng mga bagay
Halimbawa: ‘luha’y umaagos”
(sobrang dami ng luha)
Nadurog ang kanyang puso
2. Apostrope – isang madamdaming pakikipag-usap sa isang tauhan na malayo,
patay na o hindi kaharap na para bang nasa harap.
Halimbawa: “Celiang talastas ko’t
malabis na umid… dinggin mo ang tainga’t
isip”.
3. Ekslamasyon – isang paglalabas ng masidhing damdamin.
Halimbawa:
Isa kang hanggal!
“Flerida’y tapos na ang tuwa”.
4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o
pangyayari.
Halimbawa:
Malayo ma’y malapit pa rin.
“Kung
magbangis ka ma’t magsukab sa akin
Mahal ka ring lubha dini sa panimdim”
5.
Oksimoron
– salita o lupon ng mga salita na nagsasalungat.
Halimbawa:
Banal na demonyo
Bantang matanda
C. PAGSASALIN NG KATANGIAN
Personipikasyon (Personification) – nagsasalin ng katangian ng
tao sa mga bagay
na
abstrakto o mga walang buhay.
Halimbawa:
Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
“Inusig ng taga ang dalawang leon.”
Sumasayaw ang mga dahon ng puno sa malamig na simoy ng
hangin.
D. PAGSASATUNOG
1. Onomatopiya – paggamit ng mga salitang may angkop na tunog
Halimbawa: Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.
“tinataghuy-taghoy na
kasindak-sindak”
2. Aliterasyon – paggamit ng mga salitang magsintunog ang m,ga unang pantig.
Halimbawa: Gumagalang gutay-gutay na gagamba
‘mabigla magtuloy mapatid
hiningang mahina.”
3. Repitasyon – pag-uulit
ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang
aspekto ng akda.
Halimbawa:
Ito nga! Ito nga! Itong nganga.
Saan, saan, ay saan makikita
ang bayani ng bayan?
S. Seraņa