6 NA KONSEPTO NG KAPAYAPAAN
1. KAPAYAPAANG PANSARILI
Ø
Ito ay tumutukoy sa kapayapaan
ng kalooban at ng puso. Kahit na may ingay o gulo, nananatili paring panatag at kalmado ang kalooban.
4 na Sangkap ng Kapayapaang Pansarili
A. Pakikiisa sa Sarili (Harmony with the Self)
ü
Ito ay may kaugnayan sa pisikal,
imosyonal, sikolohikal at mental na kalusugan.
ü
May pakikiisa ang isang tao sa
sarili kung siya ay may malusog na pangangatawan, ang lahat ng pangunahing pangangailangan ay natutugunan, nakatutulog nang
mahimbing at nakakapag-ehersisyo ang katawan.
B. Pakikipagkapwa
(Harmony with others)
ü
Ito ay tumutukoy sa pakikiisa
sa kapwa lalo na kapag ang kapwang ito ay may kaparehong kakilanlan. Halimbawa: pamilya, kaibigan, katrabaho, kamag-aral at
kapwa mamamayan.
ü
Sa mga Pilipino, walang taong
IBA, lahat ay KAPWA.
C. Pakikiisa sa kalikasan (Harmony with Nature)
ü
Ito ay ang pagkakaroon ng kapayapaan
sa sarili sapagkat maayos ang kapaligiran na ginagalawan.
ü
Ang pagkakaroon ng mapayapa at
maayos na kapaligiran ay napakahalaga sa pagkakaroon ng pakikipag-isa at kapayapaan.
ü
Kailangan ang tamang pamamahala
at pangangalaga sa kalikasan dahil kapag ito ay nasira, ito ay maaaring magdulot ng sakit, kalamidad, pagkasira ng kabuhayan
at paghihirap ng pamumuhay.
D. Pakikiisa sa Panginoon (Harmony with GOD)
ü
Ang pagkakaroon ng pakikiisa
sa Panginoon ang pinakapundasyon ng kapayapaan.
ü
Ang Panginoon ang Pag-ibig at
ang pag-ibig ang siyang tulay at dahilan ng pakikipagdamayan at ang nagdadala ng magandang relasyon tungo sa ating sarili,
sa kapwa at sa kalikasan.
2. PAMUMUHAY NANG MAY HABAG AT HUSTISYA
Ø
Ang isang tao ay makapamuhay
nang may katarungan kung walang karahasan.
KARAHASAN – Kinapalooban
ito ng pinsala, pananakit,
pang-aabuso, pagsasamantala,
pananakot, pang-aapi at pagpatay.
Uri ng Karahasan
Pisikal – pananakit, pagsipa, pagsaksak at iba pa.
Sikolohikal – pagbabanta, mababang pagtingin,
pagpahiya, pagpahina ng loob at iba
pa.
3. PAGTANGGAL NG KULTURA NG DIGMAAN
Ø
Ang digmaan ang isa sa mga hadlang
sa pagkakaroon ng kapayapaan at ito rin ang suliraning mahirap lutasin. Ayun sa ilang pag-aaral, ito raw ay nakaugat na sa
ating kultura. Ito ay nagmula pa sa ating mga ninuno. Sa ngayon, ang pagkakaroon ng Edukasyong Pangkapayapaan ang nakikitang
tanging pag-asa upang ito’y malutas.
4. KAMTAN ANG KARAPATANG
PANTAO
Ø
Ang bawat mamamayan ay protektado
ng Karapatang Pantao. Ito ay nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights
at sa ating sariling konstitusyon.
5. PAMUMUHAY NANG MAY PAKIKIISA SA MUNDO
Ø
Kailangan alagaan ang kapaligiran
sapagkat nababawasan ng 100,000 ektaryang lupa ang ating bansa taun-taon dahil sa pagsira sa kagubatan. 11 milyong ektarya
ng masaganang lupa rin ang nagiging disyerto. Dahil dito, hindi natin namamalayan na pinaiikli natin ang haba ng ating buhay.
6. PAKIKIISA SA IBA’T IBANG KULTURA
Ø
Ang ating bansa ay binubuo ng
iba’t ibang pangkat etniko at mayaman tayo sa iba’t ibang kultura. Kaya, nararapat lamang na igalang natin ang
kaibahan ng ating kultura at paniniwala.
Sanggunian: Issues and Challenges of eaceEducation: The Ateneo de Zamboanga
University High School Context
ni: Elpidio F. Biton, Jr. Ph. D.
Isinalin sa Filipino ni: Shateen D. Seraña