Pangangatwiran
- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap
- tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig
o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.
(- Arogante)
- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang
mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay
maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.
- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali
at sa maikling panahon lamang.
DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o
isyu.
2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda
laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa
|